Pages

Sunday, May 12, 2013

Ilang bangko sa Boracay, hands off muna sa Money Ban ng Comelec

Ni Christy Dela Torre, YES FM Boracay

Todo-bantay na ngayon ang Commission on Elections sa posibleng gawin ng mga pulitiko partikular na sa vote-buying.

At upang maiwasan umano ang vote buying, naglabas ang Comelec ng Resolution 9688 o Money Ban at kanila itong inamyemdahan.

Kung saan nakapaloob dito na lilimitahan sa Php100,00.00 ang cash withdrawals kada araw.

At sa pakikipanayam ng himpilang ito sa mga manager ng ilang bangko sa isla ng Boracay, sinabi ng mga ito na hangga’t wala umano silang natatanggap na mandato o utos mula sa governing body ng mga bangko, ay papayagan nilang magwithdraw ang sinuman ng nasabing halaga.

Mahirap umano kasi sa kanila na hindi pag-withdraw-hin ng pera ang kanilang mga kliyente, dahil lamang sa naturang panukala ng Comelec.

Iginiit pa ng mga ito na pera din umano nila ‘yun, at hindi rin naman umano nila alam kung saan gagamitin ang inilabas na pera.

Kailangan din umanong maglabas ng parameter ang Comelec o governing body nang sa ganun, kung sakali mang may magreklamo ay mayroon silang ipapakitang guidelines at maipaliwanag ng mabuti sa kliyente.

Pero kung sakali anilang mabigyan sila ng order mula sa pamunuan ng mga bangko na huwag magpalabas at huwag payagan ang sinuman na kumuha ng ganung halaga ay kanila itong susundin.

No comments:

Post a Comment