Pages

Friday, May 17, 2013

Haresco-Miraflores tandem, ipinroklama nang nanalo sa 2013 Midterm Elections sa Aklan

Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Ipinroklama na ang mga nanalong kandidato sa 2013 automated local elections sa probinsiya ng Aklan.

Dinomina ng administration candidate na si Joeben Miraflores ang gubernatorial race laban kay Ramon Legaspi Jr.

Lumabas sa official result na ang three-termer congressman na si Miraflores ang nanguna sa boto sa pagka-gobernador nga may 123,034 votes kumpara kay Legaspi na may total votes na 98,974.

Sa bise gobernador, nanguna sa pa rin si Billie Calizo-Quimpo kontra kay Victor Manuel Garcia.

Si Calizo ay may 117,605 votes habang ang kanyang karibal hay may 90,409 votes.

Nanalo naman ang "Ang Kasangga" partylist representative Teodorico Haresco, Jr. laban kina Antonio Maming, Ning Cabagnot at Ramy “Nono” Panagsagan.

Si Haresco ay may 104,971 votes kumpara sa kanyang karibal na si Maming na may 96,502 votes.

Samantala, nabatid na sa 17 bayan sa Aklan, ay 11 LP o Liberal party candidates ang nakapasok bilang mayor, maliban sa bayan ng Balete, Banga, Buruanga, Kalibo, Makato at New Washington.

Nitong alas-5:00 ng hapon ay muling nag-convene ang mga-taga provincial board of canvassers upang makompleto ang listahan ng SP member sa Eastern side.

No comments:

Post a Comment