Pages

Tuesday, April 09, 2013

Tatlong opsital sa Aklan makakatanggap ng pondo mula sa DoH ngayong 2013

Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay

Bagamat hindi napasama sa mga bibigyan ng pondo ng DoH para sa pagpapaunlad ng Boracay Hospital ngayong taon, tatlong pampublikong hospital naman sa Aklan ang maa-ambunan ng grasya mula sa Department of Health o DoH Western Visayas na nagkakahalaga ng P23.5 million.

Natukoy ang tatlong pagamutan na ito na ang: (1.) Dr. Tumbukon Memorial Hospital o kilala sa tawag na Provincial Hospital, (2.) Ibajay District Hospital, at (3.) Altavas District Hospital.

Ayon sa ulat mula sa Sangguniang Panlalawigan ng Aklan, P3
.5 mula sa kabuuang halaga na ito ay ilalagak para sa pagsasa-ayos ng Provincial Hospital.

Habang ang Ibajay at Altavas District Hospital ay parehong makakatanggap ng tig-dalawang milyong piso para sa pagsasa-ayos ng kanilang mga pasilidad.

Maliban dito naglaan din ng walong milyong piso upang madagdagan pa ang kani-kanilang mga gamit o equipment sa pagamutan ng sa ganoon ay mai-angat din ang kanilang serbisyo.

Kaugnay nito, nagpasa na ang SP Aklan ng Resolusyon na may numero 2013-055 na nagbibigay awtorisasyon kay Aklan Governor Carlito Marquez na pumasok na sa isang Memorandum of Agreement o MOA sa DoH Western Visayas upang agad na maibigay sa pamahalaang probinsiya ang pondong ito.

No comments:

Post a Comment