Pages

Wednesday, April 03, 2013

LGU Malay, nakahandang magbaklas ng mga iligal na poster ng kandidato sa Boracay


Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay

Inako na ng Solid Waste Management sa Boracay ang pagtanggal sa mga campaign paraphernalia ng mga kandidato na nakasabit at nakadikit sa hindi common poster area.

Sa panayam kay Boracay Solid Waste Management Manager at Island Administrator Glenn SacapaƱo, sinabi nitong bahagi ng kanilang trabaho sa paglilinis sa isla lalo na sa usaping basura ang pagtanggal sa mga tarpaulin at iba pang campaign material sa mga lugar na ipinagbabawal na lagyan.

Aniya, nakahanda sila at hindi nila ito palalampasin kaya kanilang babaklasin ang mga poster na ito sa oras na makita nilang nakakalat sa kung saan lang.

Kung maaalala, mahigpit na ipinagbabawal ng COMELEC ang magdikit ng poster sa mga puno, pader at iba pang pampublikong istraktura at mga sasakyan.

Maliban na lamang sa public plaza na siyang kalimitang common poster area na inilaan ng kumisyon.

Samantala, gaya ng inaaasahan, isang linggo bago ang pormal na campaign period para sa May 2013 elections sa mga lokal na kandidato ay nagkaroon ng bagong Comelec Officer ang bayan ng Malay.

Pansamantala nitong ika-20 ng Marso ay pinalitan ni Feliciano Barrios bilang Comelec Officer ng Malay si Elma Cahilig na nasa bayan na ng Ibajay sa ngayon.

Si Barrios ay nagmula naman sa bayan ng Batan.

No comments:

Post a Comment