Pages

Thursday, April 25, 2013

DOLE Aklan, may opisina na sa Boracay

Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay

Para mapa-bilis ang pag-aksyion sa problema ng mga empleyadong naririto sa isla ng Boracay, mismong ang Department of Labor and Employment o DOLE na ang lumapit sa mga ito.

Dahil dalawang araw sa isang buwan ay maaari nang lapitan ang mga ito ng mga empleyado o trabahador upang magtanong o kaya ay magpa-abot ng reklamo.

Sapagkat aminado si Bidiolo Salvacion, DOLE Director ng Aklan, na sa Boracay umano ang maraming trabahador sa probinsya na nangangailangan din ng tulong ng DOLE.

Kaya maging regular na aniya ang skedyul nila sa pagpunta sa Boracay sa araw ng Martes at Miyerkules sa tuwing ika-tatlong linggo ng buwan.

Nabatid mula kay Salvacion na nitong Marso lang din sila nagsimulang mag-opisina sa isla, na matatagpuan sa ika-tatlong palapag ng Action Center sa Boracay.

Ganyon pa man, ang mga hindi na umano makapag-hintay pa sa buwanang iskedyul na ito ay maaari nang magtungo sa kanilang opisina sa bayan ng Kalibo.

No comments:

Post a Comment