Pages

Monday, April 22, 2013

15 kaso ng pagkalunod na ikinamatay ng mga biktima, naitala sa Boracay sa taong 2012

Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay

Nakapagtala ng 15 biktima ng pagkalunod na nagresulta sa pakamatay ng mga ito ang Coast Guard Caticlan nitong nagdaang taon ng 2012.

Kung saan, 7 dito ay mga dayuhang turista, at 8 naman ang lokal, ayon kay Coast Guard Caticlan Assistant Commander Senior Chief Petty Officer Ronnie Hiponia.

Sa mga naitala nilang nalunod na mga turista, kasama na umano dito ang biktimang mga Chinese National na sakay ng tumaob na bangkang pang-island hopping nitong huling bahagi ng 2012, at ang iba naman ay nalunod sa beach ng islang ito.

Ang pangyayaring iyon umano ang rason sa biglang paglobo ng bilang ng mga biktima sa nakalipas na taon.

Ganoon pa man, kung may nalunod, malaking bilang naman ang naitala nilang naligtas sa taong iyon.

Sapagkat sa record nila, 78 dayuhang turista ang naligtas nila mula sa pagkalunod, kabilang na dito ang mga biktima ng iba’t ibang aksidente o insidente sa dagat sa Boracay, gaya ng mga sea sports activity.

Habang 55 naman umano ang naligtas nilang mga lokal, mapa-turista man at boatman.

Kalimitan umano sa mga sakunang ito ay nangyari sa panahon ng Habagat.

No comments:

Post a Comment