Pages

Wednesday, March 27, 2013

Island Administrator ng Boracay umapela ng kooperasyong ngayong Super Peak Season

Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay


Umapela ng kooperasyon mula sa publiko, turista at sa mga nagtatrabaho sa Boracay ang lokal na pamahalaan Malay ngayong dagsa na ang turista dito.

Kasunod nito, nagpakalat na rin ng mahigit limampung miyembro ng MAP ang LGU Malay maliban pa sa mga Police, Army at mga Volunteer Organizations.

Ayon kay Island Administrator Glenn SacapaƱo, ang duty ng mga MAP na ito ay 24-oras, para sa implementasyon ng mga ordinansa ngayong Mahal na Araw at Super Peak Season na.

Upang maging katuwang ng kapulisan sa pagbabantay at maipatupad ng maaayos ang mga ordinansa sa isla gaya ng pagbabawal sa mga naninigirilyo sa beach at iba pampampulikong lugar, mga nagtatapon ng basura at lalo na sa mga kumukuha ng mapuputing buhangin para gawing pasalubong sa pagbalik sa kanilang mga lugar na pinang-galingan, ang mga miyembro umano ng MAP na ito ay hinati-hati na rin, para ma-organisa ang trapiko sa kalye, magbatay sa mga lumalabag sa ordinansang ipinapatupad sa front beach at pagbantay sa mga bangka na dumadaong sa mga ipinagbabawal na lugar.

Aminado din si SacapaƱo na malaki ang maitutulong ng mga guwardiya ng mga establishemento sa Boracay upang maipatupad ng maaayos ang mga ordinansa sa Boracay.

Kaya payo nito sa publiko, na maging Pulis o magbantay ang lahat para sa siguridad sa isla lalo na ng mga turista.

No comments:

Post a Comment