Pages

Thursday, March 14, 2013

CLUP ng Boracay, di pa rin tapos

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Hindi maipatupad-tupad ang CLUP ng Boracay dahil hanggang sa ngayon ay hindi pa ito matapos-tapos kahit na may apat na taon na itong pinaplantsa.

Katunayan, ayon kay Department of Tourism Boracay Officer in Charge Tim Ticar, hanggang sa ngayon ay nasa estado pa rin ng pagsasapenal ang Comprehensive Land Use Plan (CLUP) ng Boracay.

Kaya nagkakaroon parin ng mga konsultasyon ngayon sa iba’t ibang sector sa isla simula nitong ng Marso 10-12 ng sa ganoon ay makuha ang pulso ng mga stakeholders at mga Non-Government Organization (NGOs) sa isla.

Paglilinaw ni Ticar, may mga aayusin lamang umanong mahaklagang detalye kaugnay dito.

Lalo na sa mga bagay o rason na hindi sinang-ayunan ng pamahalaang probinsiya o Provincial Comprehensive Land Use Plan (PLUP) kaya ibinalik nila LGU para sa koreksiyon.

Kung maaalala, ang CLUP ng Boracay ay ginastusan ng DOT para ma-organisa na rin ang isla at magkoon ng maayos na Zooning upang hindi na kahit saan lang itatayo ang gusali dito, na siya itinuturing na “eye sore” sa mata ng mga turista.

Ang CLUP ding ito ang inaasahang solusyon sa mga problema sa Boracay kaugnay sa usapin hinggil sa over crowded na islang ito.

Matatandaan ding nitong nagdaang taong ng 2012 ay binalik na rin ito sa Sangguniang Bayan ng Malay at pinaayos ang mapa ng Boracay.

Kaya hanggang sa ngayon ay hindi pa ito maipatupad-tupad sapagkat hindi pa rin naaaprubahan sa provincial level.

No comments:

Post a Comment