Pages

Friday, March 15, 2013

15% share ng probinsiya sa Environmental Fee sa Boracay, pinag-iisapan ng LGU Malay kung ibibigay pa

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Sa kabilang ng kinakaharap na problema sa environment ng Boracay, pinagdedebatihan din ngayon sa Sangguniang Bayan ng Malay kung dapat pa bang magbigay ng 15% share sa pamahalaang probinsya mula sa koleksiyon ng Environmental Fee sa Caticlan at Cagban Port.

Gayong nadiskubre ng konseho na ang share umano ng probinsiya ay napupunta lamang sa maintenance and other operating expenses o MOOE ng dalawang pantalan na ito.

Gayong dapat ay para umano ito sa inprastraktura at programa para sa kapaligiran ng Boracay, batay sa ordinansang inaprubahan ng SB noon pa man.  

Kasama din umano sa ordinansa na dapat ay may napagkasunduang proyekto para sa isla ang Municipal at provincial Government sa paraan ng Memorandum of Agreement o MOA na siyang pupondohan sa 15% share na ito.

Subalit gayong wala naman umanong MOA, tila ang probinsiyal government na lamang ang nagdidisisyon sa ngayon at ang masakit pa doon ay sa operasyon ng jetty port lang ito napupunta.

Dahil dito, may dalawang opsiyon ngayong naisip ang SB Malay:

Ang una ay “huwag” na umanong i-remit o ibigay ang share ng probinsiya gayong sa opinyon ni SB Aguirre ay illigal naman ito.

Dagdag pa nito ay hindi na rin umano napasama sa Revise Revenue Ordinance ng Bayan na ang probisyon na dapat pang-ibigay ang 15% share na ito, kaya dapat na umanong pag-aralan nila ang legalidad kaugnay dito.

Ang ikalawang opsiyon naman nila ay ibigay, pero dapat magkaroon na umano ng MOA ang Malay at pamahalaang probinsiya at ang dalawang ito ay magkasundo na rin kung anong proyekto ang paglalaanan ng pera.

Payo naman ng ibang konsehal, maghinay-hinay sa aksiyong gagawin nila kaugnay dito dahil ang Sangguniang Panlalawigan at SB Malay ay may una nang inaprubahan ordinansa.

Matatandaang kung ang lokal na pamahalaan ng Malay ay nag-uusisa kung saan napupunta ang 15% ng probinsiya.

Ang pamahalaan probinsiya din ay nagtatanong minsan kung saan din ginagastos at napupunta ang 75% share ng Malay mula sa koleksiyon ng Environmental Fee na ito. 

No comments:

Post a Comment