Pages

Friday, February 15, 2013

Mga Hauler sa Boracay, umaangal na


Umaangal na umano ang mga hauler o taga hakot ng goods o cargoes sa Boracay dahil sa maikling oras na ibinigay para sa kanilang operasyon.

Dahil dito, nagpasaklolo umano ang asosasyon ng mga haulers na kung maaari ay bigyang sila ng karagdagang oras sa pag-gamit sa kalye ng Boracay.

Dahil hindi nila mahahabol ang mga good na idini-deliver kung susundin ang dalawang oras na paghahakot nila sa araw.

Sa reklamo ng mga haulers ayon kay Sangguniang Bayan Member Jupiter Gallenero.

Bagamat may oras ding inilaan para makapaghakot sila ng kung anong goods na ipinapasok sa Boracay na siyang dinadala nila sa mga establishemento sa isla.

Nagrereklamo na umano ang mga residente sa Barangay Manoc-manoc kung saan naroroon ang pantalan ng mga cargoes dahil sa maingay umano sa mga nagpapahinga.

Bunsod nito hiniling ng asosasyon na ameyendahan ang Municipal Ordinance # 2001-142, na nagreregulate sa operasyon at nagli-limita ng mga truck ban sa pag-ikot-ikot sa Boracay na wala pa sa eskedyul na oras nila, sa rason na masikip na ang daan sa isla.

Hiling ng mga ito na kung maaari kapag araw ng Sabado, Linggo at pista opisyal ay ibalato na sa kanila ang nabanggit na mga araw para magampanan din nila ang kanilang mga obligasyon kani-kanilang mga kliyente.

Gayong nagbabayad naman umano sila ng tama para sa permit at buwis sa kanilang operasyon.

Pero ang bagay na ito ay mariin muna umanong pag-uusapan ng konseho, dahil ang mga araw na nabanggit ay siyang araw din na abala ang kalye ng isla, sapagkat iyon din ang araw na mayroong maraming bakasyunista ayon kay SB Member Rowen Aguirre.

Ngunit ang SB aniya ay bukas naman sa pag-amiyendahan ang ordinansa. #ecm022012

No comments:

Post a Comment