Pages

Saturday, February 16, 2013

Mga bangkang dumadaong sa dalampasigan ng Din-iwid Boracay, bawal! --- Philippine Coastguard


Bawal dumaong sa dalampasigan ng sitio Din-iwid Boracay.

Ito ang kinumpirma ni assistant coastguard officer Boracay detachment PO2nd Condrito Alvares, kaugnay sa nakunan ng litratong pagdaong ng mga bangka doon.

Ang masaklap, kumalat pa sa mga Facebook accounts ng mga Boracaynon ang sinasabing illegal na gawain.

Maliban kasi sa ipinagbabawal ng ordinansa ng munisipyo ng Malay, nanganganib din umanong masira ang mga korales doon dahil sa pag-aangkla ng mga nasabing bangka.

Dagdag pa nito, tila nasasalaula pa ang beach line ng sitio Din-iwid, dahil sa halip na pinapaliguan ang nasabing lugar, ay naging boat station na rin ito sa ngayon.

Sa larawang naipost sa facebook, umaabot sa siyam na bangka ng hindi pa malamang asosayon ang nakadaong doon, na sinasabing inaabot ng halos kalahating oras.

Ayon kay Alvares, base sa municipal ordinance na ipinapatupad ng mga municipal auxiliary police.

Lima hanggang sampung minuto lamang dapat ang itatagal ng isang bangka kapag magbababa ng kanilang mga pasahero.

Ayon pa kay Alvares, klarong paglabag din sa provincial ordinance number 05-032 kaugnay sa One Entry-One Exit policy ang ginagawa ng mga nasabing bangka.

Dahil dito, bibigyan ng citation ticket ang sinumang mahuling lumabag at ang pamahalaang probinsya na umano ang bahala dito.

Kampanti ring sinabi ni Alvares na maraming miyembro ng Task Force Boracay ang tumutulong upang ipatupad ang mga kahalintulad na ordinansa, maliban pa sa mga concerned citezens na tumatawag sa kanila.

Samantala, tahasang sinabi sa panayam ng himpilang ito kahapon ang paniniwalang mga miyembro ng BIHA o Boracay island Hopping Association ang mga bangkang dumadaong at nakunan ng litrato sa Sitio Din-iwid. #mcd022013

No comments:

Post a Comment