Inikot na nitong Lunes ng mga tanod ng Barangay Balabag ang Beach
Front na kanilang nasasakupan.
Ipinag-utos kasi ni Brgy. Balabag Chairman Lilibeth SacapaƱo
sa mga ito, na muling paalalahanan ang mga vendors tungkol sa kanilang napagkasunduan
nitong mga nagdaang linggo.
Sa panayam ng himpilang ito kay Chairman SacapaƱo, sinabi
nitong napagkasunduan umano nila ng mga taga-Vendors Association, na sa Pebrero
1 ay wala nang dapat nagtitinda pa sa vegetation area ng Brgy. Balabag.
Alam na rin umano ito ng mga vendors na bawal talaga base sa
ordinansa ng munisipyo ang magtinda doon, subali’t matagal nang pinagbigyan
lang.
Katunayan, nagpasalamat pa nga umano ito dahil naintindihan
ng mga vendors na long term o pangmatagalang turismo ang kanilang hangad para
sa Boracay.
Mismong ang mga vendors din nga daw na ito ang sumang-ayon
na pangit na ang vegetation area dahil sa dami ng mga nagtitinda doon.
Samantala, bagama’t nagkasundo na sila ng mga taga-Vendors
Association, ipinag-utos pa rin umano nila sa mga tanod na muling paalalahanan
ang mga ito, maliban pa sa ibinigay nilang notice. #bd012013
No comments:
Post a Comment