Pages

Friday, January 04, 2013

Bilang ng naputukan sa Aklan, bumaba; Pagsalubong sa Bagong Taon sa Boracay, naging mapayapa


Ni Christy Dela Torre, YES FM Boracay

Sa pagdiriwang ng Bagong Taon sa probinsya ng Aklan, apat lamang ang naitalang naputukan ng iba’t-ibang firecrackers ngayong taon kumpara nang nakaraang taon.

Base sa listahan ng Aklan Provincial Hospital, umabot sa 13 katao ang bilang ng naputukan sa probinsya noong nakaraang taon ng 2012.

Ayon kay Dr. Cornelio Cuatchon, Chief of Hospital ng Aklan Provincial Hospital, ito ay isang patunay umano na umiiwas na nga ang mga Aklanon sa mga paputok.

Dagdag pa niya, mas minabuti na lamang umano ng mga tao na gumamit ng mga pampa-ingay tulad ng torotot sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Samantala, nakauwi na rin naman sa kanya-kanyang mga bahay ang mga biktima pagkatapos gamutin sa ospital.

Ngunit isa namang biktima ang naitalang tinamaan ng stray bullet, na agad namang naisugod sa ospital ang biktima at nabigyan ng lunas.

Samantala, dito naman sa isla ng Boracay, ay naging maayos naman ang pagsalubong sa Bagong Taon.

Nakabantay sa buong magdamag ang Philippine Coast Guard, Boracay Police at maging ang Red Cross Unit ay naka-antabay rin.

Ito ay para mapanatili ang kaayusan sa ginanap na fireworks display sa Boracay at kaligtasan ng lahat ng sumaksi na halos ika-puno ng beachfront.

Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang ginagawang pagsusubaybay ng mga ahensya ng gobyerno na may kinalaman sa pagdiriwang ng Bagong taon partikular sa isla ng Boracay.

Kung saan karaniwan nang dinarayo ng mga turista lalo na pagsapit ng Kapaskuhan at Bagong taon.

No comments:

Post a Comment