Mag-oobserba na lamang muna ang Team Ministry o mga paring In-charges sa Holy Rosary Parish Church ngayon, kung papaano pinagdiriwang ang Ati-atihan sa Boracay.
Sapagkat ayon kay Rev. Fr. Arnold Crisostomo, Leader-Mediator ng Team Ministry ng Parokya sa Boracay, ito kasi ang kau-unahang Ati-atihan sa isla na panga-ngasiwaan nila.
Kaya’t aminado ito na mag-oobserba muna sila.
Bagay na pinamahalaan muna nito sa Barangay Balabag ang pagtanggap sa mga Tribu na lalahok at sa Parish Pastoral Council at ilang opisyal naman ng bayan na dating namahala na rin ang umasikaso sa mga aktibidad ng selibrasyon bukas.
Ganoon paman, ibinahagi ni Fr. Crisostomo ang mga skedyul ng aktibidad para bukas, kung saan, 6:30 ng umaga ay sisimula ang fluvial procession o parade at susundan ng High Mass sa Plaza ng Balabag, para sa gagawing banal na misa para kay Sr. Sto. NiƱo.
Pagkatapos naman High Mass, sisimulan na rin ang sadsad sa front beach.
Habang alas kwatro bukas ng hapon, gaganapin ang huling misa para sa araw na ito na susundan ng prosisyon at showdown ng mga tribu sa Balabag Plaza hanggang alas onse ng gabi.
Kung matatandaan, ang Ati-atihan sa Boracay nitong nagdaang taon ay pinangunahan ng dating Kura Paroko ng si Rev. Fr Magloire Adlay Placer. #ecm012013
No comments:
Post a Comment