Ang nasabing bilang ng otoridad ay ipinakalat sa nasabing
bayan simula nitong nagdaang Lunes kung saan nag-umpisa na ring magsadsad ang
mga deboto ni Sr. Sto. NiƱo.
Inaasahang aabot din ng isang linggo ang mga ito o kaya ay
hanggang sa Lunes pa, sapagkat Linggo ng gabi ay may mga aktibidad pa rin doon.
Ayon kay P03 Nida Gregas, Public Information Officer ng
Aklan Police Provincial Office, sa 800 pulis na ito, ang iba ay nagmula sa sa
probinsiya ng Antique, Capiz, Iloilo at Regional Mobile Group (RMG).
Maliban dito, ang mga pulis sa iba’t ibang bayan sa Aklan ay
ipinadala na rin sa bayan ng Kalibo para magbigay ayuda sa seguridad doon.
Ang Ati-atihan sa Kalibo ngayon taon ay ipinagdiriwang
simula noong ika-14 hanggang sa ika-20 ng Enero. #ecm012013
No comments:
Post a Comment