Pages

Monday, December 03, 2012

Taripa sa tatlong pasilidad ng LGU Malay, niluluto na


Tatlong ordinansa ngayon ang niluluto ng Sanggauniang Bayan ng Malay at itinakda para sa pagkakaroon ng Public Hearing.

Dahil sa mayroong koleksiyon na mangyayari partikular sa bawat serbisyong ibibigay ng tatlong bagong pasilidad na ito ng lokal na pamahalaan ng Malay.

Una dito, isinalang na sa Committee Report sa SB ang ordinansa kung saan nakalatag  ang taripa sa paniningil ng lokal na pamahalaan bawat gamit ng palisidad sa Water Laboratory sa Boracay, Birthing Clinic o klinikang panganakan sa main land Malay, Boracay at isa pa sa Caticlan na balak palang idagdag, gayon din sa Municipal Slaughter House.

Sakaling matapos na ang Public Hearing at maaprobahan na ang ordinansang ito, obligado na rin ang mga tumatangkilik sa serbisyon ng tatlong pasilidad na ito na bayaran ang halaga  na nakasaad sa taripa na naaayon sa ordinansa, kapalit ng serbisyo at paggamit sa pasilidad na ito.

Matatandaang ang Water Laboratory sa Boracay, Birthing Clinic at Municipal Slaughter House sa bayan ng Malay  ay ang LGU ang nagbibigay ng pondo para sa operasyon at maintenance ng pasilidad. #ecm122012

No comments:

Post a Comment