Pages

Friday, December 28, 2012

Mga resort sa Boracay na lalahok sa fireworks display, wala pang permit


Inaasahang ngayon araw pa lang kukuha ng mga permit ang mga establishemento sa Boracay na lalahok sa taunang fireworks display sa isla.

Ito ang inihayag ni Island Administrator Glenn SacapaƱo kahapon kung saan sa panayam sa kaniya ay sinabi nito na wala pang may kumuha ng mayors permit hanggang sa mga oras na iyon.

Pero inaasahang susugod umano ang mga ito sa tanggapan ng Alkalde ngayong araw, Biyernes at huling araw ng opisina para sa taong ito.

Ang firework display sa Boracay ay isa na rin sa dinadayo ng mga turista sa isla at taunang ginagawa, sa tulong at kooperasyon ng bawat resort at mga establishimiyento dito.

Dito ay sabay-sabay na sinisindihan ang mga fireworks na ito sa front beach pagsapit ng alas-dose ng ika-31 ng Disyembre.

Nabatid naman mula kay SacapaƱo na sa tubig o isasakay sa mga bangka ang paputok at doon ito sisindihan para hindi maiwan ang mga basura at pulbura sa mapuputing buhangin ng Boracay.

Layunin umano nito ay upang maprotektahan ang beach at gayon din ang publiko na nanunuod ay maging ligtas. #ecm122012

No comments:

Post a Comment