Pages

Tuesday, December 04, 2012

Mga paaralan sa Malay at Boracay, nakaantabay sa takbo ng panahon


Nagmamatyag na ngayon sa panahon ang mga paaralan sa Malay at Boracay para masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral ngayong nasa storm signal number 1 na ang Aklan dahil kay Bagyong Pablo.

Nabatid mula sa tanggapan ng DepEd Malay na kapag tumuntong na sa signal number 2 ang storm signal, ipapatupad na rin nila ang DepEd order sa pagkakansela ng klase na otomatik ay wala nang pasok kapag umabot na ito sa signal number 2.

Isa din umano sa tinitignan ng mga guro ngayon ay ang sitwasyon ng lugar nila kung delikado sa mga estudyante, at siyang rason din para i-kansela ang klase maliban sa masamang panahon.

Samantala, nilinaw naman ng DepEd Malay na mayroon pa ring klase ang mga estudyante sa buong bayan kasama na ang isla ng Boracay.

Napag-alaman din na sa kasalukuyan, ang pamunuan ng Balabag Elementary School ay nagpahayag na sakaling sumama ang panahon, anumang oras ay posibleng kanselahin din nila ang mga klase.

Sa ngayon ay naka-monitor umano ang mga guro sa radyo at telebisyon para malaman ang sitwasyon o estado ng panahon na siyang basehan sa pag-kansela ng klase. #ecm122012

No comments:

Post a Comment