Pages

Monday, December 03, 2012

Kasangga Partylist ni Rep. Teodorico Haresco, nasa final list na ng Comelec


Pasok na sa listahan ng Comelec ng mga kwalipikadong Partylist para sa 2013 election ang Partylist na katuwang ng pamahalaan ng Aklan, ang “Kasangga sa Kaunlaran” na pinamumunuan ng isang Aklanon na si Rep. Teodorico Haresco.

Ito ay makaraang ipalabas na ni Comelec Commissioner Sixto Brillantes ang opisyal na listahan ng mga Partylist na kasali sa pagpipilian sa darating na Mayo 2013 elections.

Kung saan, maging ang agam-agam ng Aklanon at ni Aklan Governor Carlito Marquez ay na sagot na rin, makaraang dumaan sa kontrobersiya at pinaimbestigahan sa Senate Blue Ribbon Committee ang Partylist na ito.

Maaalala na inireklamo ni Kontra Daya Fr. Jo Dizon ang Kasangga at hiniling nito sa kaniyang petisyon na tanggalin na sa listahan ng marginalized sector ang grupo na ito, kung saan di umano ang pinuno na si Haresco ay iniuugnay sa kontroberisya ng dating adminstrasyon.

Dagdagan pa na di umano ay hindi pwede ang Aklanong kongresista na ito sa pwesto gayong mayaman o bilyonaryo ito, taliwas sa alituntunin na ipinapatupad para sa kwalipikasyon ng isang Representante ng Partylist.

Si Haresco ay isa sa tatakbo bilang Kongresista ng Aklan, samantala 1st nominee si Governor Marquez para pamunuan ang Kasangga sa Kaunlaran partylist. #ecm122012

No comments:

Post a Comment