Pages

Wednesday, November 28, 2012

SB Malay, naalarma sa rate increase ng BIWC

Naalarma ngayon ang Sangguniang Bayan ng Malay sa napipintong pagtataas sa taripa ng singil sa tubig sa BIWC.

Ito ay makaraang ihinayag ni SB Member Dante Pagsuguiron ang balak na increase sa singil ng BIWC sa serbisyo ng kanilang tubig at waste water na inaasahang ipapatupad na sa a-uno ng Enero ng susunod na taon.

Sa binasang Notice of Public Hearing ni Pagsuguiron mula sa TIEZA para darating na ika-anim ng Disyembre, nakasaad doon ang mga proposed rate para sa water services at waste water na nakatakdang ipatupad sa unang araw ng taong 2013.

Umalma ang nasabing SB member dahil ang tatlumpu’t-limang porsiyento umano na increase na ito ay nasakit para sa bulsa ng mga konsyumer at dagdag pasanin din sa mga negosyante sa Boracay.

Dahil dito, nagmungkahi si SB Member Rowen Aguirre na gumawa ng position letter ang konseho kung saan nakasaad ang kanilang pagtutol sa balak na pagtataas sa singil ng BIWC.

Balak din ng SB na imbitahan sa sesyon ang Tourism Infrastructure Enterprise Zone Authority (TIEZA) na siyang regulatory body ng BIWC kaugnay sa usapin.

Layunin dito ng SB ay maprotektahan ang interes ng mga konsyumer sa Boracay. #ecm112012

No comments:

Post a Comment