Pages

Friday, November 02, 2012

Philippine Red Cross Boracay-Malay Chapter, “all set” na para sa kauna-unahang “Festival of the Winds”

Ni Shelah Casiano, YES FM/Easy Rock Boracay

Bilang taga Boracay at residente ng Boracay, kadalasan ay ipinagmamalaki natin at ikinatutuwa, kapag nakakatanggap ng anumang papuri, awards at pagkilala ang islang ito.

Nagpapasalamat tayo sa mga nagbibigay ng awards, at minsan naman’y nakakaligtaang balikan at pasalamatan ang pinakadahilan ng mga nasabing karangalan --- ang Boracay.

Subali’t may mga nakakaalala naman talaga at ipinagdiriwang pa nga ang mga elementong nagbibigay buhay  sa isla --- ang hangin at ang tubig.

Katunayan, ang Philippine Red Cross Boracay Malay Chapter, sa pakikipagtulungan ng pamahalaang probinsyal at munisipalidad ng Malay, Department of Tourism at iba pang pribadong sector ay ipagdiriwang ang kauna-unahang Festival of the Winds bukas, hanggang ika-apat ng Nobyembre ng taong kasalukuyan.

Sisimulan ang palatuntunan alas otso ng umaga sa station 3 Manoc-manoc, Boracay, kung saan magbibigay ng mensahe ang alkalde ng Malay na si Mayor John Yap, na susundan naman ng mga beach competitions.

Tampok sa dalawang na araw na aktibidad ay ang Junior at Senior Lifeguard competition, Paraw Regatta, lantern parade, paligsahan sa paglangoy, pagtakbo, at pagpapalipad ng saranggola.

Magkakaroon din ng under water clean up na pangungunahan ng mga taga-BASS o Boracay Association of Scuba School.

Ang Yes FM 911 Boracay at Easy Rock Boracay ay kapartner din ng nasabing makasaysayang pagdiriwang.

No comments:

Post a Comment