Pages

Monday, November 05, 2012

Menor de edad na pagala-gala sa Boracay, problema parin ng LGU


Aminado ang lokal na pamahalaan ng Malay sa Boracay na mahirap parin nilang masawata ang mga batang pagala-gala sa front beach hanggang sa ngayon.

Ito ay kahit na mahigpit na ipinatutupad ang Curfew hour, na dapat pagsapit ng alas diyes ng gabi ay wala ng mga menor de edad na gumagala pa sa isla. 

Ayon kay Island Administrator Glenn SacapaƱo, problema talaga nila ngayon ang mga kabataang ito, kung saan ang iba umano ay tino-tolerate pa ng kanilang magulang.

Katunayan ay nakikita pa ang mga ito na nagbibinta ng kung anu-ano pailaw o laruan sa front beach.
Aminado si SacapaƱo na nahihirapan silang hulihin ang mga menor de edad na ito dahil baka ma disgrasya pa kapag hinabol ng mga Municipal Auxiliary Police/MAP.

Pero minsan ay mismong ang mga magulang pa aniya ang nagdadala para maghanap buhay sa gabi.

Bunsod nito, siya na rin umano ang nagpanukala sa Municipal Social Welfare na dapat ay kasuhan na ang mga magulang ng batang nahuhuli ng paulit-ulit na lumalabag sa curfew.

Ito ay upang malaman umano ng mga magulang ang obligasyon sa kanilang mga anak.

Subalit ayon sa Administrador, naging laman na rin ng pulong nila kung papaano mabibigyang sulosyon ang problemang katulad nito.

No comments:

Post a Comment