Pages

Tuesday, November 06, 2012

Caroling sa Boracay, mahigpit na ipagbabawal


“Bawal mag-caroling sa Boracay”.

Ngayon buwan palang ng Nobyembre, klinaro na ng Island Administrator ng islang ito na bawal ang mag-caroling ngayong nalalapit na ang Pasko at kahit sa araw pa mismo ng Pasko.

Aniya, nangangamba sila na sa dami taon-taon ng nagka-caroling sa Boracay ay hindi na nila masiguro lalo na ng mga residente, kung ano ang tunay na pakay ng paglilibot na ito sa mga bahay-bahay.

Kaya ganon na lamang aniya ang ginagawa nilang paghihigpit sa mga nais mag-caroling sa isla.
Aniya mapa bata man ito o matanda, ay ipinagbabawal na dito.

Dahil dito, payo ni Island Administrator Glenn SacapaƱo sa mga residente, kapag may nag-caroling o kaya ay naghahararana at nag-iikot para manghingi ng donasyon o pera.

Agad umanong ipagbigay alam sa mga Barangay Officials at Tanod o kaya ay sa Municipal Social Worker para masiyasat ang mga dukomento nila at ma-aksiyunan agad. 

No comments:

Post a Comment