Pages

Friday, November 09, 2012

Boracay Hospital, hindi kasama sa pupunduhan ng EEDD sa 2013


Kumpirmado na na hindi nga kasama sa mga pupunduhan o bigyan ng budget sa susunod na taon ng 2013 ng Economic Enterprise Development Department (EEDD) ng Aklan ang Don Ciriaco Tirol Memorial Hospital.

Sapagkat, nilinaw ngayon ni Dr. Michael I. Terencio Head ng EED Department na hindi under ng departamentong ito ang ospital sa Boracay.

Sa panayam kay Dr. Terencio nitong umaga, inihayag niyang bagamat sa ilalim ng Governor’s Office ang EEDD, pero hindi umano nila ito saklaw.

Sapagkat sa ngayon nasa ilalim parin ng panga-ngalaga ng Provincial Health Office/PHO ang pagamutang ito sa isla.

Sinabi rin nito na sa kasalukuyan kasi ay Municipal Hospital parin ang estado ng Boracay Hospital na mas kilala rin sa tawag na Boracay Hospital.

Aniya tanging tatlong district hospital lamang ang under ngayon sa EEDD at iyon ay Ibajay at Altavas District Hospital gayon din ang Provincial Hospital.

Ito ang tugon ng EEDD Manager, kasunod ng mainit na debate ng Sangguniang Bayan ng Malay kahapon, kung saan balak sana nilang magpasa ng resulosyon upang mapasama din at mabigyang pundo ng EEDD ang pagamutan na ito sa isla.

Lalo pa at pangunahing panga-ngailangan aniya ito sa Boracay.

Gayong dati ay ipinangako na rin anila ng mga matataas na opisyales ng probinsya na ang kikitain ng Jetty Port sa Malay ay ibabalik din sa Boracay sa paraan ng maayos na serbisyo at pasilidad.

No comments:

Post a Comment