Pages

Monday, November 26, 2012

Bayan ng Malay, ipinagdiwang ang "Social Welfare Week"

Ni Rodel Abalus, Easy Rock Boracay

Makalipas ang isang taon ay muling ipinagdiwang ng bayan ng Malay ang Social Welfare Week.

Ito ang kinumpirma ni Malay Municipal Social Welfare and Development Officer Magdalena Prado, sa panayam ng Yes FM News center Boracay.

Sa pamamagitan ng temang “Pagkakaisa, Pagsama-sama, at Patuloy na Pagtutulungan” ay inilatag ng MSWD ang iba’t-ibang aktibidad sa mismong plaza ng Malay.

Tampok sa isang linggong pagdiriwang ang iba’t-ibang laro katulad ng basketball at volleyball para sa mga kalalakihan at kababaihan; dama at sungka para sa mga senior citizens, solo parents at mga out-of-school-youth.

Napag-alamang maging ang may mga kapansanan ay hindi nagpahuli sa pagsali sa mga excibition games, habang ang mga parlor games naman ang inihanda ng MSWD para sa mga bata.

Samantala, isang leadership seminar naman ang ibinigay para sa mga out-of-school-youth nitong nagdaang Martes, at orientation sa mga solo parents nitong nagdaang Miyerkules.

Isang palatuntunan naman ang itinakda mamayang gabi para sa pagbibigay ng awards sa mga nanalo sa mga nasabing paligsahan.

Sinundan ito ng “Bida Malaynon” variety show na lalahukan ng mga taga iba’t-ibang sektor, kung saan magiging panauhing pandangal ang mag-asawang Abegail at Mayor John Yap.

Maaga namang nagpaabot ng pasasalamat si Prado sa mga nakilahok at sumuporta sa nasabing aktibidad.

No comments:

Post a Comment