Pages

Wednesday, October 31, 2012

Pagpapatala sa Comelec, hanggang alas tres lamang ng hapon

Mayroong hanggang alas-tres na lamang ng hapon sa ika-31 ng Oktubre ang pagpapatala sa Commission on Election (Comelec) sa Malay, kasabay ng deadline na itinakda ng kumisyon.

Sapagkat pagsapit ng nasabing oras, ililista na lamang ng kumisyon ang mga nakapila doon hanggang alas tres ng hapon at iyon lamang din ang ipo-proseso nila hanggang sa matapos at magsara na ang tanggapan nila.

Ayon kay Elma Cahilig, Comelec Officer ng Malay, batay umano sa Resolution 9542 na ipinalabas ng Comelec Commissioner nitong ika-25 ng Oktubre.

Nakasaad doon at inatasan ang mga Comelec officer na hanggang alas tres lamang bukas ang pagtanggap sa mga magpaparehistro.

Sa scheme na gagawin o ipapatupad umano sa Comelec, kapag marami pa aniya ang nakapila at naroroo, tatlongpung metro sa paligid ng opisina nila, pagsapit ng alas-tres, ililista ang mga ito at tatawagin na lamang ang mga pangalan upang maproseso.

Kaugnay nito, aminado si Cahilig na kahapon ay marami pa rin talaga umano ang pumila para magparehistro.

Pero 300 ang binigyan nila ng pormas, dahil ito lamang ang makakaya nilang iproseso. #ecm102012

No comments:

Post a Comment