Pages

Tuesday, October 23, 2012

Pagpapanatili ng drug-free workplace sa Boracay, responsibilidad ng mga stakeholders

Responsable ang mga stakeholders, lalo na ang mga may hinahawakang negosyo, dito sa Boracay na tiyaking mayroon silang drug-free workplace.

Ito ang ihinayag ni Gen. Pedrito Magsino ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office-National Capital Region (PDEA RO-NCR) sa isinagawang dalawang araw na Information and Education Campaign on Drug Awareness and Prevention na ginanap noong ika-labingsiyam hanggang dalawampu ng Oktubre, taong kasalukuyan dito sa isla ng Boracay.

Ayon sa opisyal, nakasaad umano sa Sec. 48 ng Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002, na dapat na i-promote ang drug free workplaces sa pamamagitan ng pagpapatupad ng drug abuse prevention program ng mga pribadong kumpanya na may sampu o higit pang empleyado.

Ito ay sa pakikipag-tulungan na rin ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ng Dangerous Drugs Broard.

Anya, dapat din na magkaroon ng karatula ang isang establishimiyento na may nakalagay na "This is a drug-free workplace. Let's keep it this way."

Dapat ay magkaroon din ng random drug testing sa mga empleyado.


Ipinaliwanag din ng opisyal ng ahensya na maraming hindi magandang maidudulot ang drug addiction sa isang workplace tulad ng palagiang pag-liban sa trabaho, mababang perfomance at productivity, pati na rin ang posibilidad na gumawa ng krimen sa pinagtatrabahuhan, tulad ng pagnanakaw sa kompanya, upang matustusan ang bisyo.

Sinabi din ng opisyal na nasa polisya umano ng gobyerno na maipatupad ito ng mga private businesses.

Kaugnay nito, binigyang-diin ni Magsino na dapat ay maipatupad ito sa Boracay upang mapangalagaan ang isla mula sa iligal na droga, kasabay ng kanynag panawagan na sana ay magtulungan ang lahat upang manatiling drug-free ang Boracay. #pnl102012

No comments:

Post a Comment