Pages

Wednesday, October 24, 2012

Karagdagang silid aralan para sa Boracay, hihilingin ng SB sa DepEd

Karagdagang mga silid aralan para sa Boracay National High School (BNHS) sa Balabag, ang hiling ngayon ng Sangguniang Bayan Malay.

Kaya sinisimulan ng lutuin sa SB ang resolusyon na humihingi sa pamahalaang nasyonal na dagdagan ang kasalukuyang bilang ng silid aralan mayroon sa nasabing eskuwelahan, kung saan ay nasa 2nd reading na ito ng konseho.

Aminado kasi maging ang mga lokal na mambabatas na ito na kulang talaga sa silid aralan pati sa guro ang BNHS, kaya aapela na lamang umano ang SB sa Department of Education (DepEd).

Sa resolusyong kanilang ilalatag, hihilingin nila na kung maaari ay maglaan ng pondo ang DepEd para sa karagdagang silid aralan ng BNHS upang mapanatili ang kalidad ng edukasyon para sa mga kabataan dito.

Ito ay sa kabila na rin umano ng pagsisikap sana ng lokal na pamahalaan ng Malay na madagdagan ang mga silid-aralan dito.

Pero sa nakikita nila ngayon, hindi pa kakayanin ng pondo ng LGU Malay na magpagawa ng karagdagang silid-aralan.

Kung matatandaan, ang nasabing paaralan ay dumaranas ngayon ng problema.

Dahil maliban sa dumami ang mga estudyante, kapag umulan pa ay hindi rin nagagamit ang ilang classrooms doon.

Ito ay dahil pinapasok ito ng tubig-baha na hindi man lang humuhupa sa dampa, at ngayon ay nagsisilbing tirahan na rin ng isda. #ecm102012

No comments:

Post a Comment