Pages

Wednesday, September 05, 2012

Responsableng amo ng aso, hiling ng Island Administrator

Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM Boracay

Bagamat walang ordinansa sa Boracay na nagbabawal sa pag-aalaga ng aso, hiling na lamang ni Island Administrator Glenn SacapaƱo na sana ay maging responsible lang din ang amo ng aso.

Hangga’t maaari aniya ay talian na lang ang kanilang mga alaga, upang hindi na makaperwisyo sa kapit-bahay, makakagat ng tao, at hindi pakapagbigay ng problema sa kapaligiran gayong ang Boracay ay isang tourist destination.

Kaya naman mas mainam aniya ay iparehistro at alagaang mabuti ang mga aso, nang sa ganoon ay hindi gumala ang mga ito.

Samantala, sa kasalukuyan aniya ay muli nilang itutuloy ang paghuhuli ng mga galang aso sa Boracay.

Ito’y makarang maayos na ang sasakyang ginagamit ng mga dog catcher dito.

Kung mapapansin, ang mga galang aso na ito sa isla ay isa sa pinuproblema, dahil maliban sa kinakalat ng mga ito ang basurang inilalagay sa tabing kalsada para sa pagkolekta, kalimitang pangunahing dahilan din ito ng sakuna sa kalye.

No comments:

Post a Comment