Nais ipadeklara ni Malay Mayor John Yap na maging opisyal na
araw ng paglilinis sa Boracay ang petsang ika-18 ng Mayo.
Bunsod nito, hiniling ng Alkalde sa Sangguniang Bayan ng
Malay na magpasa ng ordinansa kaugnay dito.
Target ng din ng Punong Ehekutibo na maipasa ito sa Senado,
upang hindi lamang sa Malay at Boracay ang gagalaw kung saka-sakali, kundi
maging bahagi din ang iba sa adhikaing ito.
Layunin ng panukalang ito na malaman ng publiko na sa islang
ito ay seryoso ang kanilang adhikaing mapanatiling malinis ang baybayin dito.
Kaugnay dito, nakatakda pa itong dinggin ng konseho sa
susunod pang mga sesyon.
Nabatid mula sa Malay SB Secretary Concordia Alcantara na
napili ang nasabing petsa, na napapaloob sa peak season, upang maipabatid sa
karamihang dapat ay pangalagaan ang kapaligiran sa Boracay at makiisa din ang
mga ito sa pagmamalasakit para sa isla.
No comments:
Post a Comment