Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM Boracay
Naki-isa ang Sangguniang Panlalawigan ng Aklan sa pagluluksa
ng bansa sa pagkamatay ni Department of Interior and Local Government (DILG)
Secretary Jesse Robredo.
Katunayan, kahapon sa regular session ng SP, ipinanukala ni
Sangguniang Panlalawigan Board Member Victor Garcia na magpasa sila ng
resulosyong napapahiwatig ng kanilang pagsimpatiya sa pamilya ng nakaburol na kalihim.
Maliban dito, si SP Board Member Raymar Rebaldo naman ay
nagmungkahi din na magkaroon din sila ng katulad na resolusyon para sa pamilyang
naulila ni Capt. Jessup Bahinting, ang pangunahing piloto ng Piper Seneca plane
na sinakyan ni Robredo mula Cebu papuntang Naga.
Ayon kay Rebaldo, si Bahinting ay naging karamay din ng
Aklan ng nasalanta ng bagyong Frank ang probinsiya.
Nabatid mula sa dating alkalde ng Kalibo na si Rebaldo, na
ang pilitong nabanggit ay siyang naging piloto din ng pamahalaan na tumulong sa
pagdala ng ayuda sa probinsiya.
No comments:
Post a Comment