Kinumpirma nitong umaga ni Engr. Elezer Casisid, Municipal
Engineer ng Malay na, sisimulan na ngayong Lunes, Agosto 27, ang pagpapagawa ng
pumping station sa area ng Manoc-manoc partikular na sa area ng Lugutan.
Sa panayam dito, sinabi nitong mula Faith Village tatawid
ang proyektong ito sa main road papuntang Lugutan para ikonekta sa pangalawang
drainage doon.
Ito ay upang masolusyunan pansamantala ang suliranin sa
pagbaha sa nasabing lugar.
Pero sa ngayong ayon dito, hinihintay pa nila Boracay Island
Water Company (BIWC) na linisin ang laman ng kasalukuyang drainage, upang kapag matapos na ang
pagsasa-ayos at magsimula na ang operasyon, ang mga dumi doon ay hindi na
mapunta pa sa tubig sa nasabing lugar.
Kaya aasahan na aniyang magkakaroon na ng delivery ng mga
materyales na gagamiting sa nasabing pumping station na matatapos sa loob ng dalawang
lingo.
Nabatid din mula dito na kulang-kulang P300,000.00 piso ang
pondo na ibinigay ng loka na pamahalaan ng Malay sa para sa proyektong ito mula
Faith Village hanggang Lugutan Area.
Kung maaalala, ilang beses na ring pinanuna ang pagbaha sa
main road sa nasabing lugar dahil sa problema sa drainage doon.
No comments:
Post a Comment