Ipinagtanggol ngayon ni Malay Adminstrator Godofredo Sadiasa
ang tungkol sa nakakaalarmang pag-wangwang ng mga ambulansya sa Boracay.
Sa panayam ng himpilang ito kay Sadiasa, sinabi nitong
natural lamang na magwangwang ang mga ambulansya sa isla, lalo pa’t “between
life and death” na, o kinakailangang itawid kaagad sa mainland ang pasyente.
Idinagdag pa nito na kahit walang pasyente ang ambulansya at
kailangan nitong rumesponde sa emerhensya ay hindi rin dapat ipagtaka ng
publiko kung bakit ito kailangang magwangwang.
Payo naman ni Sadiasa partikular sa mga drayber sa Boracay
ay magbigay-daan sa mga nasabing ambulansya, hindi na kailangang makipagtalo pa
tungkol dito.
Ang isla ng Boracay kadalasang inaalarama ng mga ambulansya
ng LGU Malay, Red Cross at Boracay Action Group.
No comments:
Post a Comment