Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM Boracay
Sa kabila ng Task Force Moratorium sa Boracay na ikinasa ng
lokal na pamahalaan ng Malay upang pansamantalang mapatigil ang pagpapatayo ng residensiyal
o komersiyal na establishimiyento at mga inprastraktura sa isla ng sa ganon ay
maayos muna ang mga mali-maling gusali dito.
Hiniling naman ngayong ng Punong Ehekutibo sa Sangguniang
Bayan ng Malay ang pagpasa ng resolusyon na humihiling sa Department of
Environment and Natural Resources (DENR) na kanselahin o ipatigil na ang
pagpapatupad ng moratorium sa pagbibigay ng Environmental Compliance
Certificate (ECC) na ikinasa di umano ng
DENR sa isla.
Ito ay makaraang ipinatigil umano ng DENR ang pagbibigay ng
ECC sa lahat nang nagbabalak at nagtayo ng gusali sa Boracay.
Ang kahilingan ito ng alkalde ay isinatinig ni SB Member
Dante Pagsugiron na agad naman sinang-ayunan ng iba pang konsehal.
Ayon kay SB Member Jupiter Gallenero at Pro-Tempore Presiding
Officer Esel Flores, may karapatan din naman ang lokal na pamahalaan sa
ganitong kahilingan.
Lalo pa at apektado na ang mga investor na nais pumapasok sa
Boracay, gayong may obligasyon anila ang LGU sa mga namumuhunan na ito, upang
maging legal din ang kanilang pagnenegosyo sa isla.
Dagdag pa ni Gallenero, kapag hindi umano na kansela ang moratorium
ng DENR na nagpatigil sa pagbibigay ng ECC, malamang ay labas na ang mga
nagmamay-ari sa mga establishimiyento ay mga violator na, gayong karamihang
nasa listahan di umano ng DENR ng mga sinasabing lumabag sa pagtatayo ng gusali
dito ay dahil sa walang ECC.
Maliban dito, dahil sa ganitong sitwasyon nagdadalawang isip
na di umano ang mga investor na pumasok pa sa Boracay para magnegosyo.
No comments:
Post a Comment