Libo-libong isda ang unang mabubungaran sa pagpasok palang sa
gate ng paraalan ng Boracay National High School.
Sapagkat, hindi lamang basta-bastang tubig baha ang pumapasok
sa bakuran ng paaralang ito kundi tubig itong nagmula sa kanal malapit sa
nasabing paaralan na umabot na hanggang sa school ground, at halos lahat ng
silid aralan doon ay napapalibutan na ng tubig at ang iba naman ay napasok na.
Magkaganon man, tila katuwaan naman ang hatid ng tubig na
ito sa mga estudyante, dahil sa naaliw ang mga mag-aaral na panoorin umano ang
libo-libong isda sa tubig doon na hanggang bukong-bukong.
Kung saan tanging pansamantalang tulay na nagsisilbing daan ng
mga bata papunta sa mga silid-aralan mula palang sa gate.
Gayon pa man, aminado ang ilang sa mga guro doon na nakakatulong
naman ang mga isdang ito upang mapuksa ang pagdami ng lamok, dahil ang
kiti-kiti ay kinakain din ng mga isda.
Subalit aminado ang mga ito na kapag ganitong tag-ulan
apektado talaga ang klase ng mga bata.
No comments:
Post a Comment