Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM Boracay
Kung ngayon ay dose oras lamang ang skedyul ng color coding
ng tricycle sa Boracay, simula naman sa Agosto 13 ng kasalukuyang taon ay magiging
24 oras na ang biyehe ng unit na naka-iskedyul sa araw na iyon.
Ito ay dahil ang skedyul ng bawat tricycle depende sa kulay
na nakatakda sa naturang araw na ay magiging buong araw at gabi na simula
ala-sais ng umaga hanggang ala-sais din kinaumagahan.
Ito ang kinumpirma ni Boracay Land Transportation Multi-Purpose
Cooperative (BLTMPC) Chairman Ryan Tubi.
Aniya ito ay batay na rin sa kautusan ng Punong Ehekutibo ng
Malay sa paraan ng Executive Order No. 2012-024.
Naniniwala si Tubi na muling binago ang skedyul na ito
sapagkat posibleng nakita din ng lokal na pamahalaan ng Malay na kahit na
ipinapatupad na ang coding ay mabigat pa rin ang trapiko sa Boracay.
Matatandaang, nailatag na rin sa sisyon ng Sangguniang Bayan
ng Malay na pagdating di umano ng rush hour simula ala-sais ng gabi haggang
alas siyete, dahil sa nasuspende na ang coding sa oras na ito kaya ang asul at
dilaw na mga unit ay pinapahintulutan ng makapagbiyahe.
Ang resulta: mabigat pa rin daloy ng trapiko.
No comments:
Post a Comment