Ni Malbert Dalida, News Director, YES FM Boracay
Magandang balita sa mga biyahero at mga turista papuntang
Kalibo o kaya’y Caticlan at Boracay.
Idineklara nang “passable” o pwede nang daanang muli ang
tulay sa Tangalan, Aklan, matapos mabutas ang lupa at kalsadang kinaroroonan
nito kahapon dahil sa pinagsamang pwersa ng DPWH, National Disaster Risk
Management Team, lokal na pamahalaan at mga pulis-Tangalan.
Ayon kay PO2 Mario Sestorias ng Tangalan PNP, tinambakan at
muling siniksik ang lumambot at bumigay na lupa nito, dahilan upang muling
makatawid ang mga sasakyan at biyahero.
Nabatid na bumigay ang lupang kinaroroonan ng tulay, sanhi
ng malakas ng pag-ulan at pagbaha nitong mga nagdaang araw dulot ng bagyong
Gener.
Dakung alas-6:30 na kagabi nang ideklara ng DPWH na passable
na ang naturang tulay na siyang dinadaanan ng mga turista at motorista mula sa
bayan ng Kalibo at Caticlan.
No comments:
Post a Comment