Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM Boracay
Muling kakatukin ng Boracay Foundation Incorporated (BFI)
ang Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) kaugnay sa
estado ng drainage system sa Boracay.
Ito ay kahit pa ang lokal na pamahalaan ng Malay, probinsiya
at ilang pribadong indibidwal at nangungulit na sa TIEZA upang mabigyang solusyon
ang suliranin sa bahang nararanasan sa isla.
Bunsod nito, inimbitahan ng BFI ang TIEZA na dumalo sa
kanilang lingguhang pulong ngayong araw, upang himayin kung ano na ang estado
ng proyekto ayon sa Pangulo ng BFI na si Dionesio “Jony” Salme.
Ayon kay Salme, hanggang sa ngayon ay nasa bidding process
palang ang proyekto, gayong matagal na itong over due.
Aniya, ilang pangako na ang binitiwan ng TIEZA na ayusin na
ito sa lalong madaling panahon, subalit wala pa ring nangyayari.
Naniniwala din ang huli na ang kawalan ng Drainage sa
Boracay ang isa sa rason kung bakit nagkakaroon na sand erosion maliban pa sa climate
change sa Boracay.
No comments:
Post a Comment