Ni Edzel Mainit, Filed Reporter, YES FM Boracay
Bagamat kinuwestiyon ng ilang miyembro ng Sangguniang Bayan
ng Malay kung supisyenteng rason na ba ang mga donasyon at naitulong ng
kilalang negosyanteng si Lucio Tan at Ramon Ang sa Boracay upang ampunin ng
bayan ng Malay ang mga ito, walang pagtutol mula sa konseho ang proposisyon at
isinusulong na resolusyon sa SB na nagsasabing pormal nang aamapunin dahil sa
naging partner na rin ng bayang ito ang dalawang kilalang businessmen.
Ang resolusyon na ito ay kahilingan di umano ng Punong
Ehekutibo sa konseho bilang pagkilala ng lokal na pamahalaan sa mga programang
dinala nila sa Boracay kaugnay sa pangangalaga ng kapaligiran at gayon din
donasyon sa bayan.
Tinukoy ng konseho na ang dalawang nabangit na negosyante ay
may malaking kontribusyon sa programa ng Boracay Beach Management Program (BBMP).
Kasama din dito ang proyektong pagtatanim ng bakawan sa Sitio
Lugutan Barangay Manoc-manoc.
Samantala, dahil sa marami ding negosyante sa Boracay na
sumusuporta sa programa ng LGU at hindi lamang ang dalawang nabanggit, sinabi
naman ng mga konsehal wala naman masama kung i-adopt ng Malay si Tan at Ang.
No comments:
Post a Comment