Ni Malbert Dalida, News Director, YES FM Boracay
May mga bayaning Pinoy pa nga ba sa panahong ito?
May magsasauli pa kaya sa isang bagay na napulot na hindi sa
kanya at isasauli ito sa may-ari?
Walang malayo o malapit na lalakarin para sa isang bayaning
Pilipino upang masagot ang mga katanungang ito.
Ito’y matapos marapating isauli ni Condrado Eroy ng
DasmariƱas, Cavite ang bag na pagmamay-ari ng kapwa nito turista nitong
nagdaang araw ng Miyerkules.
Ayon kay PSIns. Al Loren Bigay ng Boracay PNP station,
mag-aalas siyete na ng gabi ng Miyerkules nang tinungo ni Condrado ang himpilan
ng pulisya upang isauli ang bag ng isang nagngangalang Philip CasiƱo ng
Indiana, USA.
Napag-alamang hindi pala sa kanya ang nakuhang bagahe sa
Caticlan airport, kung kaya’t hinanap nito ang may-ari ng bag.
Sa isinagawang pakikipag-ugnayan at paghahanap, ay nagkita
ang dalawa sa istasyon ng pulis at doon nito isinauli ang nasabing gamit.
Naglalaman pala ito ng mga mamahaling gadgets katulad ng
Sony Camera, Sony Digicam, Apple Ipod, mga sunglasses, Ultra Camera, Nokia Cell
phone, mga flashlight, mga charger at gamot, at wallet na naglalaman ng credit
card at perang mahigit trese mil pesos.
Ayon pa kay Bigay, nararapat lamang na kilalanin ang
kabayanihang katulad nito, upang pamarisan ng lahat lalo na dito sa Boracay.
Nakatakda naman umano itong magpalabas ng press release,
upang isapubliko ang pagkakakilanlan at kabutihang ginawa ng isa ring
bakasyonistang Pilipino.
No comments:
Post a Comment