Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM
Boracay
Mula ng sinimulan ang Task Force Moratorium sa building
construction sa Boracay nitong buwan ng Abril, nasa level 2 pa lang ngayon ang
nagawa sa implementasyon kung hanggang stage 10 ang sukatan.
Ibig sabihin ay marami pang dapat ayusin sa implementasyon
at mahaba-habang panahon pa ang dapat i-gugol para dito ayon kay Malay
Municipal Planning Officer Alma Belijerdo.
Aniya, sa kasalukuyan ay may mga natatangap na rin silang
report mula sa tatlong Barangay sa Boracay kaugnay sa pagmonitor sa mga ginagawa
o kino-construct na mga gusali, residensiyal man o komersiyal sa isla.
Ito ay upang hindi basta-bastang magsulputan na parang mga
kabote at ma-kontrol ag pagdami ng gusali at residente dito.
May mga nakarating na report sa kanila at agad naman umano
nilang ina-aksiyunan, at may mga bagay pa rin umano silang dapat gawin upang
mapa-unlad ang kaalaman ng miyembro ng task force sa pagpapatupad sa mga
Barangay sa Boracay.
Samantala, aminado naman si Belijerdo na epektibo nga ang
Task Force sa mga bago o tinatayo palang na gusali sa Boracay dahil na momonitor,
sapagkat sinisimulan palang ang konstraksiyon ay nati-timbre na ito sa LGU at
ina-aksiyunan naman agad.
Pero sa kabila nito, sinabi ng Municipal Planning Officer na
malaking hamon parin sa lokal na pamahalaan ng Malay ngayon kung papano nila
maitatama ang mga bagay na naririto na sa Boracay bago pa man ipatupad ang Task
Force Moratorium.
Gayun paman kung hindi umano matapos at maabot ang target ng
LGU para sa Task Force, mismo ang Alkade na rin ang nagsabi na kahit hanggang
Hunyo lamang sa susunod na taon, baka ma extend pa ito upang mahabol ang nais
na pagbabago para sa Boracay.
No comments:
Post a Comment