Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM Boracay
Diktador na
Presiding Officer!
Ito ang
naging laman ng privilege speech ni Sangguniang Panlalawigan member Rodson
Mayor noong umaga ng noong Hulyo 4 sa ginawang 22nd Regular Session
kung saan binatikos nito ang ginawang paghahamak di umano sa kaniya ni Vice
Governor Gabriele Calizo-Quimpo.
Para kay
Mayor, wala siyang nakitang mali sa ginawa niya pag-kwestiyon sa procedure na
nais ni Quimpo sa urgent request ng Gobernador.
Aniya, ang
pagkakasabi nito ay dahil sa nakita nitong wala na sa lugar ang pagtatanong na
ginagawa ng Presiding Officer gayong ang dapat ay hindi ito makisali sa balitaktakan
dahil ang pag-preside lang ang obligasyon ni Quimpo.
Kaya para sa
kaniya, ang naging senaryong nangyari ay hindi nagmula o nag-umpisa sa kaniya kundi
sa Bise Gobernador, dahil tila nais nitong kontrolin ang takbo ang usapan at
pagdating sa kaniya at tila nagbibingi-bingihan pa ito.
Ipinunto din
ni Mayor na hindi niya nagustuhan ang
pagpapalayas na ginawa sa kaniya sa session hall ni Quimpo.
Layunin umano
ni Mayor ng pagsisiwalat niya sa paraan ng privilege speech ay upang maipabatid
sa publiko ang totoong nangyari na nagpasakit sa kaniyang loob.
No comments:
Post a Comment