Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM Boracay
Bagamat pinunduhan na ng pamahalaang probinsiya ng Aklan ang
pambayad sa 260 milyong Bond Floatation para sa reklamasyon sa Caticlan at pasok
ito sa 2011 at 2012 buget.
Pinoproblema parin ngayon ng Sangguniang Panlalawigan ng
Aklan ang bagay na ito sapagkat, malaking halaga umano ang binabayaran
quarterly ng probinsiya na umaabot sa mahigit pitong milyong piso, pero wala
manlang umanong kinita ang investment na ito.
Kung saan ang tinutukoy ng SP ang pagkasuspende sa
ginagawang reklamasyon sa Caticlan kaya hindi makausad ang proyekto kaya walang
kita ang probinsiya na makukuha mula dito ayon kay SP Member Sylwin Ibaretta.
Sapagkat makaraang ma-aprobahan ang bond floatation noong
huling bahagi ng 2010.
Nitong taong 2011, buwan ng Hulyo ay sinimulan na itong bayaran
ng mahigit pitong milyon ng probinsiya sa bangkong pinagkaka-utangan.
Sa kasalukuyan ay may mahigit 231.1 milyon pa umanong utang ang
probinsiya na dapat mabayaran hanggang sa taong 2020.
Sa kabilang banda dismayado naman ang SP sa pangyaring ito.
Pero naniniwala ang mga ito na sa oras na matanggap na ng
Supreme Court ang mosyon ng probinsiya kasama ang ang resulosyon ng Boracay
Foundation Incorporated/BFI na pumapayag na sa 2.6 hectar na reklamasyon sa
Caticla, may posibilidad na matuloy umano ang proyektong ito.
No comments:
Post a Comment