Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Ipinapa-inspeksiyon ngayon ng Sangguniang Bayan ng Malay ang
Caticlan Bridge sa National Highway dahil sa mababa lamang ang kapasidad ng
tulay na ito at naglalakihang sasakyan ang dumadaan dito araw-araw.
Kaya nangangamba ngayon ang konseho na baka bumigay ang
tulay lalo pa at ang mga dumadaan dito ay ang mga sasakyang pang-RORO at iba pa
tulad ng tourist bus, container van at naglalakihang mga truck.
Dahil dito, nababahala ang Sanggunian dahil kapag nasira ang
tulay na ito ay maapektuhan ang kalakalan sa Caticlan at Boracay lalo na ang
industriya ng turismo, ngayon pang wala umanong alternatibong daan para sa mga
sasakyang ito kung sakali.
Bunsod nito, hihiling din umano ng tulong ang Sanggunian sa
Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pag-i-inspeksiyong gagawin,
sapagkat ang tulay na ito ay bahagi din ng National Highway.
Ang naturang plano ng konseho ay nag-ugat sa pahayag ni SB
Member Jupiter Gallenero sa privilege speech nito kahapon, kaugnay sa pagkakabahala
nito sa estado ng tulay lalo pa at mahalaga ito, pero may katagalan na.
No comments:
Post a Comment