Ni Malbert Dalida, News Director, YES FM Boracay
“Safe and sound” na ngayon ang tatlong Taiwanese National
matapos ma-rescue sa pagkalunod nitong hapon.
Sa panayam ng himpilang ito sa tour guide ng nasabing mga
turista, nabatid na naglalaro lamang ang mga ito ng volley ball sa dalampasigan
ng station 1 Boracay.
Subali’t malakas ang hangin doon kung kaya’t tumalbog
papunta sa tubig ang bola, na hinabol naman ng babaeng Taiwanese.
Nang mapansin din umano ng babae na napunta na ito sa
malalim na bahagi ng tubig, ay nagpanic na ito lalo pa’t malalakas na alon ang
humahampas sa kanya.
Nang mapansin ng dalawa pa nitong kasama ang kanyang
pagpapasaklolo ay kaaad ding rumesponde ang mga ito.
Subali’t dahil sa takot at pagpanic umano ng babae ay nasipa
nito ang mga rumespondeng kasama, na naging dahilan naman upang magpasaklolo
ang mga ito.
Sa tulong ng dalawang hindi na nakilalang turista at
dalawang dive master, ay naiahon ang mga ito at nabigyan ng paunang lunas ng
kanilang dive shop.
Kaagad namang isinugod sa ospital ang mga nahintakutang
turista na kinalauna’y nagpasalamat dahil sa pagkakaligtas sa kanila.
No comments:
Post a Comment