Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Masama man ang panahon dala ng Bagyong Ambo sa bahagi ng
Visayas, hindi parin napigil ng abnormalidad na panahon ngayong araw ang mga seas
sport activities sa Boracay.
Ayon sa Boracay Island Hopping Association (BIHA), tuloy pa rin
ang boating ng mga turista.
Ngunit limitado lamang umano ang lugar na mararating ng mga
ito sa paglalayag.
Ayon sa BIHA, hanggang back beach na lang di umano muna ang
mga bangka, dahil ipinagbabawal muna sa front beach ito at bunsod na rin ng
mararamdamang lakas ng hangin at alon.
Nabatid din kay Station Commander Lt. Cmdr. Terence Alsosa
ng Caticlan Coast Guard na tuloy pa rin ang iba’t ibang aktibidad sa dagat
ngayong araw pero sa likod na bahagi nalang ito ng isla at sa Tambisaan ang
pick up point lahat wala muna sa front beach.
No comments:
Post a Comment