Pages

Wednesday, June 27, 2012

SB Malay, dismayado sa Coral Restoration ng DOST sa Boracay


Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM Boracay

Laking pasasalamat na sana ng lokal ng pamahalaan ng Malay dahil sa ang Boracay ang magiging benepisyaryo ng proyektong ng Department of Science and Technology (DOST) na “Filipinnovation of Coral Restoration” na gagawin sa isla.

Subalit hindi nila akalaing sa bandang huli ng paglalatag sa programang ito ay maaaring maapektuhan din pala ang ilang ordinansang ipinapatupad sa Boracay.

Ito ay makaraang aminin mismo ng grupo ng DOST na nagpresenta ng nasabing programa na pinangunahan ni Cesario Pagdilao na kapag naging natagumpay ang proyektong ito, sila na ang magrerekomenda sa mga bagay o gawain na posibleng ipagbawal sa naturang lugar na sakop ng programang ito upang mapanagalagaan ang mga korales.

Sa nasabing pahayag ay tila nadismaya ang konseho dahil bakit umano hindi agad naiisip ng DOST na maaaring magkaroon ito ng gusot sa ordinansa kaugnay sa operasyon ng seaport activities tulad ng helmet diving dahil ipagbabawal na dati nilang area.

Gayon pa man, hindi nagsara ng pinto ang konseho kaugnay sa nabanggit na topiko, dahil maaari naman umanong talakayin ito sa gagawing committee hearing.

No comments:

Post a Comment