Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
“Habal-habal na naman?!”
Ito ang inisyal na reaksiyon ni Malay Transportation Officer
Cezar Oczon sa panayam dito nitong hapon, kung saan maging ito ay aminado na
hindi nila mapigil-pigil ang operasyon ng mga sasakyang ito.
Ayon kay Oczon, ito ay dahil hanggang sa ngayon, kahit pa
may moratorium sa pag-issue ng permit to transport sa lahat ng uri ng sasakyan
sa Boracay, ay suliranin pa rin sa kasalukuyan ang problema kaugnay sa operasyon
o pamamasada gamit ang mga motorsiklo.
Kaya patuloy umano ang ginawa nilang paghuhuli sa mga ito,
at sa katunayan ay may mag na-impound na rin silang mga nahuling lumabag sa
ordinansa at batas.
Sa panayam din dito nitong hapon, nilinaw ni Oczon na hindi pwede
ang tawaran o tumawad ang isang mahuling lumabag sa ordinansa sa miyembro ng
Municipal Auxiliary Police (MAP) dahil may fixed na penalidad o multa na
nakasaad sa bawat nilabag sa ordinansa.
Dahil nga dito ay hindi umano ito pwedeng tawaran, maliban na
lamang sa tinatawag na “human consideration” sa nalabag na ordinansa.
Pero mariin nitong sinabi na ang MAP ay hindi pwedeng
magbigay ng discount kung halaga o pera na ang pinag-uusapan.
Dagdag pa nito, sa Treasurer’s Office sa Municipal Action
Center umano dapat magbayad ang mga may penalidad at hindi sa MAP.
No comments:
Post a Comment