Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
“No-sticker, No Biyahe
Policy”.
Ito ang inaasahang magyayari sa darating na ika-labin lima
ng Hunyo, kung saan kaugnay sa ipapatupad ng Color Coding Scheme sa mga
tricycle sa Boracay.
Ang bagay na ito ang mariing ipinapaintindi ngayon ng lokal
na pamahalaan ng Malay upang masugpo na ang pagdami at pagpasada ng mga kulurom
na tricycle sa isla.
Kaya lahat ng mga pampasadang tricycle sa isla na
nakarehistro sa Boracay Land Transportation Multi-Purpose Cooperative (BLTMPC) ayon
kay Cezar Oczon Municipal Transportation Officer ng Malay ay didikitan nila ng
sticker na nagpapatunay na lahat ay requirement para sa operasyon nila ay
na-comply na sa LGU Malay.
Pero ng mga tricycle na walang pintura na naaayon sa
hinihingi ng batas dito ay hindi rin umano nila palalampasin gayon di ang hindi
pa nakapagre-new, sapagkat hindi nila bibigayan ng sticker.
Bunsod nito ang sino man aniyang mahuli na bumabayahe ng walang
sticker ay huhulihin at mapapatawan ng kaukulang penalidad base sa batas.
Samantala, dahil sa ang a-kinse ng Hunyo na ay natapat umano
sa pagdiriwang ng Malay Day, at ang araw na iyon at ideniklarang walang pasok
ang mga tanggapn ng LGU, titingnan umano ani ni Oczon kung maipapatupad nila sa
araw na iyon ang Scheme na ito.
Ang hakbang na ito ng LGU ay upang ma-kontrol ang mga
sasakyan sa main road araw-araw at maiwasan ang mabigat na trapiko.
No comments:
Post a Comment