Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Inaasahang walang pasok ang mga estudyante sa lahat ng
paaaralan na nasasakop ng bayang ng Malay at Boracay pribado man at pampubliko,
gayon din ang mga tanggapan ng pamahalaan sa bayang ito.
Ito ay dahil sa araw ng Biyernes, Hunyo 15, ay pinagdiriwang
ang Malay Day na siyang pag-alala sa araw kung saan nahiwalay na ang bayan ng
Malay mula sa bayan Buruanga noong taong 1949 sa nasabi ding petsa.
Kinumpirma din ni Malay Administrator Godofredo Sadiasa na local
holiday bukas sa buong bayan kasama na ang sa isla ng Boracay kaya walang pasok
ang mga estudyante at gayon din sa mga tanggapan dito.
Napag-tibay na din Sangguniang Bayan ng Malay sa pamamagitan
ng Resolution No. 6 Series of 1987, na nagdedeklarang bawat Hunyo 15 sa bayan
ng Malay ay Special Holiday bilang pagunita sa paglagda ng Republic Act 381 na
siyang pormal na pagbuo sa bayan ito mula sa dating sakop ng Buruanga,
probinsya ng Capiz na Aklan na rin ngayon.
Samantala, bilang pag-gunita sa makasaysayang araw na
tinatawag na “Malay Day”, ay may inihanda namang iba’t-ibang aktibidad ang
lokal na pamahalaan para sa mga makikibahagi sa selebrasyon.
Maliban dito, ngayong gabi, kaugnay pa rin sa pagdiriwang, ay
gaganapin na rin ang presentasyon sa tinagurian “7 Wonders of Malay”.
No comments:
Post a Comment